I’m happy that I have kids na mabait na matalino pa (Yes! I’m biased
syempre anak ko sila) seriously speaking, napansin ko when Rhian reached 3
years old ang dami na yang tanong, so be ready to answer all her questions kasi
hindi ka nya talaga titigilan hanggang hindi sya ma satisfied sa sagot mo. Rhaine
on the other hand is still a baby for me, she follow her sisters sa lahat ng
sabihin nito. Actually mas sumusunod pa sya sa ate nya kesa amin.
Popoh
Every day I called at home to check my kids if they are doing fine (kahit
na may access ako sa CCTV on my phone) iba parin if you can talked to your kids
over the phone.
Me – Hi Ching! How are you?
ChingChing – I’m fine Mommy, how about you?
Me – I’m fine rin, o nag merienda ka na ba?
ChingChing – Opo Mommy.
Me – Nag popoh ka na ba?
ChingChing – Hindi pa po.
Me – Bakit hindi pa?
ChingChing – Kasi po, nagusap yung pwet ko and pwet ni
Rhaine na si Rhaine na muna ang mag popoh at mamaya nalang akong gabi.
Huh? Talagang naguusap ang pwet nila? Hahaha.
Payong
These past few weeks, umuulan every afternoon so I called
again to check if my kids are done with their merienda.
Me – Hi Ching! How are you?
ChingChing – Hi Mommy, I’m fine naman. What time ka po
uuwi?
Me – Mamaya pa eh, mga 6pm so mga 7pm pa ko makakauwi ng
house bakit po?
ChingChing – May payong ka po?
ChingChing – May payong ka po?
Me – Opo meron naman po.
ChingChing – Very good. Si Daddy po meron payong?
Me – Opo meron po syang dalang payong. Bakit po?
ChingChing – Kasi po pag wala kayong payong, mababasa
kayo ng ulan, pag nabasa kayo ng ulan, magkakasakit po kayo, pag nagkasakit
kayo dadalhin kayo sa ospital, pag nasa ospital kayo, iinjectionan kayo pag
nainjectionan kayo, masakit po yun.
O db, para syang ang nanay namin. Actually sya ang taga
remind namin pag may nakakalimutan kami.
Utot
We were sleeping in one room but next year they will
sleep on their own room. One night while having our kulitan session, we smell
something aargggghhh…
Me – Sinong umutot? Ikaw noh! (referring to my husband)
Ian – Huh? Anong ako baka ikaw.
Me – Hindi ako, Rhaine umutot ka?
Rhaine – Di po.
Ian - Tanungin mo
yung isang anak mo dun (nasa sulok at tahimik si Rhian)
Me – Ching! Umutot ka?
ChingChing - ……..
Tawanan kami..
ChingChing – Mommy, di po ako umutot ng malakas, mahina
lang po at walang tunog. Kaya po di po sya mabaho.
Hahaha. Honest naman pala anak ko, yun nga lang talagang
guilty sya.
Pag Hindi…
I told you na super kulit ni Rhian as in! Nakakaubos ng
pacensya pero I really enjoy talking to her. Ang dami kong natututunan sa
kanya, sa mundo ng mga bata.
Me – Ching, sleep ka na at gabi nap o.
ChingChing – Pag hindi gabi?
Me – E di, umaga po. Di ka mag sleep kasi kakagising mo
lang.
Me – Ching, baba ka dyan baka mahulog ka at mataas dyan.
ChingChing – Pag hindi mataas?
Me – Pag di mataas, di ka po mahuhulog.
Me – Ching, inom ka ng water para makapopoh ka.
ChingChing – Pag hindi iinom ng water?
Me – Pag di ka iinom ng water, di ka makakapopoh.
Me – Ching, ligpit mo na toys mo para di masira.
ChingChing – Pag hindi niligpit?
Me – Pag di mo niligpit, masisira toys mo.
Yan ang sinasabi kong dapat lagi kang may nakaready na
sagot sa lahat ng tanong nya.
Enjoy the rest of the week guys!
Post a Comment