Kamote Sitcom Episode 10: Usapang Bata at Isip Bata

How are you my dear readers? I know you’re doing fine. Pampa good vibes muna so we can have a good week ahead. We just returned from a sweet short vacation for our 4th wedding anniversary celebration, if you’re following me at Instagram, you will know where we celebrated it if not follow me at @rnvillareal.

Anyway, I want to share with you our kulitan with the bagets. O db kasama na sa sitcom ang dalawang macuCUTElit na bata.

Hi-5


Hubby is watching basketball when Rhian caught his attention and their conversation goes like this.

Rhian – Daddy, lipat.
Ian – What baby?
Rhian – Hi 5 na po! Lipat Disney Junior (with matching sayaw sayaw pa)
Ian – Ching, wala pa. Tska pano mo nalaman na Hi5 na?
Rhian – Basta, Hi 5 na po.
Ian – Wala pa nga Ching, kita mo. .(sabay lipat sa Disney Junior)
(E pag lipat ng channel, Hi 5 na nga naman..)
Rhian – O kita mo po, sabi ko na po Hi 5 na eh.

Natawa ko ng bonggang bongga kasi nagtataka rin ako pano nalalaman ni ChingChing na Hi 5! na.

Me – O pano ba yan, alam na ng anak mo kung anong oras yung Hi5. Pwes sa taas ka manood ng basketball mo. Haha.

Cellphone

Every day, before we take our dinner I make sure that the kids already ate their meal. Pag uwi namin, lagi kong pinapaunang kumain si Ian habang ako naman ang in-charge sa pag half bath ng 2 bata para after that iaakyat na ni Ian.  Once settled na sila sa taas tska ako kakain and maliligo, the other night when I entered the room I saw my husband playing some games at his mobile phone.

Me (talking to my husband) – Huli ka! Cge cellphone ka parin yung mga anak mo tingnan mo kaya.
Ian – Hindi kaya kanina pa kami naglalaro ng mga bata eh.
Rhian – No Mommy, Cellphone Daddy. Hulog po Rhaine. (with matching turo sa tatay nya)
Me – Huh? Nahulog si Rhaine? Saan?
Rhian – Don po kama ko.
Me – Kita mo hon, yan ba ang binabantayan ang anak. Tsk Tsk.
Ian – Ching, db binabantayan ko kayo ni Rhaine Rhaine.
Rhian – Hindi po. Cellphone lagi Daddy.
Ian – Hindi kaya Ching. Bukas bilhan kita ice cream ha.
Rhian – Yes Daddy! Ice Cream. (with matching talon talon pa. Excited ang bagets)
Me – Hay naku, hindi kaya nagsisinungaling ang bata. Dinaan mo pa sa suhol ang anak mo ha. Haha.

SUNGLASSES

We had a very long drive going back in Manila yesterday, we travelled NLEX, SCTEX and TPLEX, and since inabutan na kami ng hapon sa daan and first time ng asawa ko na mag drive sa 3 express way medyo careful sya sa pag drive.

Ian – Hon, ang bilis naman dumilim noh.
Me – Huh? Hindi naman tama lang naman. Wala pa ngang sunset eh.
Ian – Ay sus! Kaya pala madilim tingin ko, naka shades parin ako.
Me – Hahahaha. Kaya next time, wag adik sa kakasuot ng shades. Pag wala ng araw, wag ng mag shades. Okay.
Rhian – Mommy, san po shades ko?

*Pati si Rhian tuloy nahawa na sa tatay nya na adik sa shades. Hehe**


So that’s it pancit. I will make kwento about our anniversary celebration soon. 
post signature post signature