Finally, I was able to write another Kamote Sitcom from #TeamVillareal. I can't remember when was the last time I wrote about our kalokan at kulitan. Well, eto kami nagbabalik ulit.
DUAL CITIZENSHIP
My father-in-law and sister-in-law are now officially US Citizen. They lived in US for almost 5 years na together with my mother and brother-in-law, actually si Ian nalang natira dito sa pinas and hopefully mapetition narin sya soon. As soon as we received the good news, eto naging usapan namin mag-asawa.
Me - Hon, kita ko pics ni Nikka ha. Galing! US Citizen na sila.
Ian - Oo nga eh.
Me - So pano yun, Filipino Citizen parin ba sila or hindi na?
Ian - Si Daddy 2 na Citizenship nya.
Me - Talaga? Filipino and US? Pwede pala yun.
Ian - (with matching serious face) US Citizen and Senior Citizen na sya.
Me - Hahahaha.. Baliw!
LAMBINGAN MOMENT
I can't remember when was the last na nagtabi kami ni Ian sa kama. Oh, wag green minded ha. I mean yung nakahiga magkatabi at maulog. Simula kasi ng dumating si Rhian sa buhay namin, nasa gitna namin sya matulog, e di lalo na ngayon na may Rhaine na kami, mas lalo na kaming walang time for each other sa gabi kasi pagod at puyat kami pareho. While talking to each other (take note nasa gitna namin si Rhian ha)
Me - Hon, gusto ko sa 4th anniversary natin out of town tayo ha.Yung tayong 2 lang.
Ian - Pwede naman, pero pwede rin sama natin yung mga bata.
Me - Hhhmmm.. gusto ko tayong 2 lang muna kasi matagal narin tayong hindi umaalis ng tayong 2 lang eh, gusto ko naman na may moment tayong 2.
Ian - Ok cge 2 lang tayo sa anniversary natin. (sabay usog si Rhian sa dulo ng kama at tabi sakin)
Me - O, bakit inusog mo anak mo? Baka magising yan.
Ian - Hindi yan. Gusto lang kita makatabi ulit. (sabay yakap)
Me - Ang sweet naman. Pero balik ka na dun sa pwesto mo. Baka mya nyan masundan agad si Rhaine, ayoko muna utang na loob after 7 years nalang ulit at make sure na lalaki na yun ha.
(Sabay binalik si Rhian sa gitna.)
Ian - Oo nga, baka masundan agad. Tulog na tayo.
Me - Adik! Haha.
Actually, marami pa kaming kalokohan this pas few days eh. Yung iba nga lang limot ko na. Pacensya, nakaka 2 major operation na ko with anesthesia kaya makakalimutin na lola nyo.
Post a Comment