We had a very productive weekend and super bitin
sya as in. How I wish maging 3 days na yung weekend. Anyway, we cancel our
Tagaytay trip because of some personal reason ng kasama namin, good thing may
plan B kami on Valentine’s Day. Wohooo..
We opted to visit SMX dahil sa travel expo and sakto sya kasi may travel
kami on March and until now wala pa kaming nabobook na hotel. Pero bago kami umalis ng bahay, selfie-selfie muna kami ni ChingChing. :)
We arrived at MOA around 4pm and grabe sa dami ng
tao. Ang daming mag jowa, mag-asawa, pamilya, lolo, lola, bagets, feeling bagets at lahat na ata ng
klase ng tao andun sa MOA. Kahit sa travel expo super dami rin ng tao buti
nalang malakas yung aircon kaya comfortable parin kami. Since my husband is a
Gold Citibank CC holder, we got a free entrance ticket then si tita nalang ang
binilhan nya ng tickets worth Php 60.00.
As soon as we arrived at the venue, mapapa WOW ka
talaga sa daming discounts and promos. From local to international hotels,
meron din mga inooffer na super promo flights both local and international rin.
Naku, sabi nga ng husband ko, kung hindi lang daw ako preggy with baby bunso
baka nakapagpabook na kami going to Japan or Korea sa sobrang mura ng mga
offers. And since we will just travel domestic mas nag focus kami dun. Sayang
lang rin at kulang kami sa oras at hindi namin nalibot lahat. Boooo…
We roamed around the area and talaga naman nakaka
akit yung mga offers ng hotels and we think not only once but twice kung saan
talaga kami mag book ng hotel, finally after canvassing and reading some
reviews about the hotel we are eyeing for, na book narin namin sya. Woohooo.. I
don’t what to discuss more on the hotel we booked para surprise nalang sya, but
believe me, super ganda nya sa photos (I hope maganda talaga pag punta namin.
Hehe) based on the reviews naman, halos lahat naman positive yung sinasabi
about sa resort since it was private! Yun lang ang masasabi ko, para syang Shangri-la
Boracay. This time kasi we opted to stay away from the usual Boracay Crowd para
may privacy kami kahit papano, we want to enjoy the fine white sand and “virgin”
sand para narin kay Rhian.
Ah basta, I will discuss it more after our trip. Right after our travel expo experience, we watched pyrolympics sa labas ng MOA actually hindi sya kasama sa plan but since pag labas namin ng SMX naririnig namin yung mga fireworks nag decide narin kami na manood. I don’t know kung na enjoy ni Rhian yung fireworks kasi dahil sa lakas ng mga tunog nito, nagising sya. Hehe.
I told you na super duper daming tao sa MOA that
night, maybe because Valentine’s day at the same time pyrolympics narin kaya
halos lahat ng tao nasal abas, wala tuloy kaming makainan dahil sa haba ng
pila. Kahit yung ibang mamahalin na restaurant mahaba ang pila kaya we decided
na sa may Shakey’s near our place nalang kami mag late dinner. Imagine we had
our dinner by 10:30pm. Boooo….
The following day, we attended the Sunday mass at
The Landmark Chapel and right after we bought Rhian a new play area and walking assistant. Susme
tuwang tuwa ang bagets, at least ngayon mas malaki na yung malalakad nya
compare sa play pen nya. I’m so happy whenever I saw my daughter’s smile,
napaka priceless. Ganon ata talaga pag magulang kana, lahat bibigay mo sa anak
mo makita mo lang syang masaya.
We had our dinner at Luk Yuen in Glorietta, post
valentine’s treat from my mom. Super thank you mommy for the treat. We love you
so much!
Overall, kulang ang weekend namin but still we are looking forward for our summer escapade next month. Woohooo.. It is also Rhian’s 1st ever plane experience kaya mas doble ang excitement ko. That’s it pancit. How about you? How do you spend your weekend? Share it with me. :)
Overall, kulang ang weekend namin but still we are looking forward for our summer escapade next month. Woohooo.. It is also Rhian’s 1st ever plane experience kaya mas doble ang excitement ko. That’s it pancit. How about you? How do you spend your weekend? Share it with me. :)
P.S.
Sorry for the poor photos, I only used my phone camera here.
Wow! Excited na akong mabasa yang first plane experience ni Rhian ha!! hehe. Iniwasan talaga namin ang MOa last week kasi alam namin sobrang dami ng tao. Yun nga lang mejo na over budget ang valentines day namin hahaha! Kwento ko sa blog.
ReplyDelete