Hi guys! Ilang tulog nalang magpapasko na! You know what
I’m super duper excited to the highest level because this will be our 1st
Christmas as a family, first Christmas rin ng aming maCUTElit na anak kaya
looking forward kami to celebrate it.
Anyway highway, andito na naman ang Kamote Family to
share our not-so funny conversation. Bahala na kayo humusga kung nakakatawa sya
o hindi, pero para sa akin, natatawa ako kaya isha-share ko sa inyo. Hehe.
GREAT GRAND MOTHER
After we checked-out at Berjaya Hotel last Saturday, my
husband and I decided to visit her grandparents who lived at United States and now they are here at the Philippines for short vacation. When we arrived at their house
in Manila, her Grand Father can’t stop telling me that she (Rhian) looks like
her Father (“Kamukha ni Ian. Kamukha ni Ian.. Kamukha ni Ian”). Okay fine, hindi
ko kamukha anak ko. Waahhh.
Me – Rhian, Bless kay Lolo.
Rhian – Huwaaa.. Huwaaa.. (Crying)
Lolo – Anak ni Ian? Kamukha nya eh.
Me – Oo nga po eh..
Tita Din (Ian’s Auntie) – Kamukha na sya ni Amie. (Amie is
my Mother-In-Law)
Me – Talaga po?
Tita Din – Oo kamukhang kamukha talaga habang nalaki..
Me – Speechless..
After few minutes, bumaba na si Lola.
Lola – Ay ang apo ko, pakiss nga.. (kiss sa cheeks)
Rhian – Huwaa.. Huwaa.. (crying)
Lola – Kamukhang Kamukha ni Aaron (Aaron is Ian’s Nephew)
para silang kambal.
Me – Talaga po? E di mukha pong lalaki si Rhian.
Lola – Kamukhang Kamukha talaga. Ang lakas pala ng dugo
ng Villareal
Me – Oo nga po eh, wala nga po namana sa akin eh..
Tita Din – Meron naman, yung gender nya. Pero kamukhang
kamukha talaga ni Amie
Lola – Hindi, kamukha ni Aaron. (say it 5 times)
Me – Speechless.
After 5 minutes..
Lola – Kanino nga ulit anak to?
Me – Kay Ian po Lola.
Lola – Kamukhang Kamukha talaga ni Aaron. (repeat 5
times)
Rhian – LOLA! (Pasigaw)
Lahat kami napatigil ng sumigaw si Rhian ng LOLA! I don't know kung nakulitan na sya sa lola nya pero dahil sa tuwa, nabigyan ang anak ko ng 100 Dollars. Good Job Anak!
REFRIGERATOR
Do you know na after 4 years ko sa Friendster, ngayon
lang ako nanalo sa Christmas raffle and take note 2nd major prize pa
sya. I won 5 cubic feet One Door Sanyo Refrigerator. Wohooo!! Congrats to me!
But since we have ref na sa bahay, we decided na ibenta nalang sya. I asked my mom to
help me find a buyer so I texted her.
Me – Ma, nanalo ako sa raffle, refrigerator. Kaya lang
need na mauwi ngayon kasi dadating yung owner ng company namin.
Mommy- O cge anak, hahanap ako ng bibili nyan.
After few minutes, I received another text from my mom.
Mommy – Anak, hanggang magkano nga yung ref?
Me – Php 7,500 pero cash yun ha. Pandagdag sa birthday ni
Rhian.
Mommy – Ganon ba, meron na kong nahanap na buyer, pero
tinatawaran na 5k at uutangin pa.
Me – Huh? Ma!!!!
Then, my officemates joined our conversation..
Officemate1 – Ay ano ba yun? Dun ka na sa Php 7,500 pero
sa January pa ibibigay kesa naman sa 5k tapos utang pa. Haha..
Officemate2 – Oo nga, tapos masaklap pa nun, utang na nga
tapos 10 gives pa.
Officemate3 – So dapat installment rin ang pagbibigay ng
parts ng ref.. Unahin mo yung pinto tapos ihuli mo yung saksakan.
Officemate1 – Tama, ibigay mo nalang yung saksakan pag
natapos na syang magbayad. Haha.
O db, ang tatalino ng mga kasama ko sa trabaho. Very
supportive! Pero in the end, napunta yung ref ko sa officemate ko. ^_^
Winner yung installment din ang bigay ng ref. Pat on the back, officemate! The best ka! Haha! :))
ReplyDeleteHaha bentang benta talaga yung installment ng ref! Ang cute ng conversation with the elders haha
ReplyDeleteLOL natawa ako sa last conversation :)
ReplyDeleteHappy for Rhian and her 100USD hehehe I'm sure tuwang tuwa lahat when she spoke.
Ang cute and lucky ng daughter mo ; ) Bata palang kumikita na haha Tama un idea na installment din ang pabigay ng parts ng ref hehe
ReplyDeletexoxo
MrsMartinez
Love you anecdotes, very amusing!
ReplyDeleteLOL! nakakatuwa naman. ang galing ni Rhian! Marunong na maghanap-buhay.
ReplyDeleteAng swerte naman ni Rhian may $100 galing kay lola!! hahaha.. share mo naman yan!
ReplyDeleteGanyan talaga ang mga relatives Mommy Rackell, sasabihin nila si ganto o si ganyan ang kamuka.. Pero ako sa sarili ko pinpilit kong ako ang kamuka ni James kahit hindi naman daw! Hahaha.
Galing ni baby, may $100 haha. Clap clap
ReplyDeleteHAHAHA! i love the Lola story mommy :))
ReplyDelete