Anyway, it's been a while since the last time I post about our Kamote Sitcom. Yung iba nga nakalimutan ko na eh, sorry naman kaya eto bumabawi ako. Hehe. Ang dami kasing events c/o Mommy Bloggers Philippines and I love it. Thanks Ms. Lanie for the opportunity ha.
So para mabawasan ang stress nyo kahit papano (hopefully), I'm sharing with you some of my husband kalokohan. Peace hon!
THE PERFUME
Every week nagpapalit ako ng bag ko, then last Monday I noticed na basang basa yung loob ng bag ko, yun pala natapon yung pabango ko.. Huhu..
Ako - Hon! (in louder voice)
Ian - Ano yun? (nagtataka)
Ako - Natapon yung pabango ko sa bag.. Huhu
Ian - O anong gagawin ko?
Ako - Wala na kong pabango, di pa naman ako sanay ng di nagpapabango.
Ian - Sus, walang problema yan. E di palagi mong bitbitin yung bag mo para mabango ka parin.
Ako - Ay kamote ka talaga!
**Ang talino talaga ni Mister noh! Sarap sapakin. Haha**
Continuation...
Ako - Hon, lika dito saglit.
Ian - Bakit?
Ako - (sabay spray ng pabango sa buong damit nya)
Ian - Ano ba yang ginagawa mo?
Ako - Pinapabanguhan kita para mabango ka.
Ian - Hindi ko na kailangan nyan, yung pawis ko nga ginagawang pabango eh.
**Ay susme, lakas mangarap ng asawa ko. Hehe**
LAMBINGAN TIME (Rated SPG)
Every since Rhian came into our lives, hindi na kami tabi matulog ni Ian. Look at this photo, ganyan ang pwesto namin lagi..
Photo from Baby and Breakfast
So imagine, 10 months na kaming hindi tabi sa kama. So last night, ang position namin is the Booby Trop, then all of a sudden sumiksik si Mister sa akin..
Ako - Oh, bakit andito ka sa trono ko, lagpas ka na ha. Balik ka na dun sa pwesto mo..
Ian - Dito muna ako, gusto kitang katabi eh. (Sabay yakap ng mahigpit)
Ako - Magigising si Rhian, bukas na tayo mag usap.
Ian - Ayaw ko, dito muna ako. Aba matagal tagal na tayong hindi magkatabi sa kama.
Ako - E ano naman ngayon, tiis tiis muna.
Ian - Ah, basta tabi tayo matulog ngayon. Hayaan mo muna si Rhian sa dulo may unan naman eh hindi naman sya malalaglag eh. (Higpit ng yakap)
Ako - Cge bahala ka, pag nagising anak mo ikaw ang magpapatulog ha.
Ian - Oo ba. Basta tabi tayo ha..
After few minutes..
Rhian - Waaaahhh.. Wahhhh.. Wahhh....
Ako - O pano ba yan, balik ka na sa pwesto mo at nagising anak mo..
Ian - Huhu. Sabi ko nga.
**So wala ring nagawa si Mister kung hindi matulog sa kabilang dulo ng kama. Sorry Hon! Next time nalang.. :p)
I can relate sa sleeping positions because until now, co-sleeping pa rin kami. My 6 yrs old son doesn't want to leave our bedroom. Feeling ko hanggang college sa min pa rin siya tatabi. :)
ReplyDeleteYun eh, mukhang dapat pag toddler na si Rhian kahit mga 3 years old ma train na sya matulog sa kama nya. Baka mya kasi masanay sya hanggang mag high school e katabi parin namin. Hehe.
DeleteIt's really funny when me and my love would play around and then baby would suddenly roll on his tummy and look at us with a grin like smile on his face. hehe
ReplyDeleteLakas ng pakiramdam talaga ng mga baby noh. hihi
DeleteHehe, these funny moments make relationships stronger. You are lucky to have a partner who makes your day lighter :-)
ReplyDeleteHahaha! Gotta love these kinds of posts. Pero kawawa naman si hubby, di napagbigyan! :P
ReplyDeleteThose are funny stories! Hubby and I still sleep next to each other though. We positioned it so that our baby's side would be against the wall.
ReplyDeletehahah super relate ako. di rin namin malaman anong pwesto gagawin pag katabi si baby, ayaw namin galawin kasi baka magising kaya kami ang magaadjust khit halos mahulog na sa bed. God Bless to your family :)
ReplyDeleteThe sleeping position hits me! My son has this habit of placing his leg under my legs. It's weird, that's the position where he can sleep comfortably.
ReplyDeleteAng cute naman ng Kamote Sitcom nyo ni husband. Life is never dull ha...LOL!
ReplyDelete