Happy Day 42: Starbucks Coffee

Today is my first day at work after my maternity leave and alam nyo ba na eto rin ang araw na sobrang lungkot ko. Why? dahil eto ang unang pagkakataon na magkakahiwalay kami ng anak ko for almost 9 hours. Ever since I gave birth to Rhian, ligo lang and pag punta lang sa cr kami naghihiwalay. I'm a hands-on mom for 78 days and it's so hard for me na iwan ang anak ko. Ewan ko ba, pero I think this is anxiety attack. Huhu. (Btw, my MIL and my mom ang nagbabantay kay Rhian.)

I woke up early, prepare our breakfast and baon for lunch while crying, hindi naman hagulgol pero teary eyes. Hayz. Nababaliw na ata ako, but super thank you sa asawa ko at tinulungan nya kong ma overcome tong nararamdaman ko..

Around 3:30pm, while doing my pumping session at HR room (syempre gusto ko kahit na napasok na ko, breast milk ko parin ang iniinom ni Rhian), our security guard told me na may naghahanap sakin, but I don't entertain it since di pa ko tapos mag pump (Hello! uunahin ko pa ba yun kesa sa ginagawa ko?!) so I said "Give me at least 10 minutes".

Fast forward... As soon as I reached my table, I saw ze husband and a frappucino on my table. Wow! what a surprise! I love his effort na dumaan sa office namin para makita ako and ibigay yung frappe na super duper nag cra-crave ako since almost 9 months akong pigil dito because of my pregnancy. Finally, matitikman ko narin sya. Yahooo..


Thank you hubby for the starbucks but what more important is your effort na puntahan ako sa office para makitang okay ako. I really appreciate it! Iloveyou to the moon and back! #speechless #priceless
post signature post signature