I finished my vow one week before our wedding day, because during that time we had a very serious misunderstanding and God tested our relationship. Thank God, we resolved it. Ian just finished his vow by 2am on July 24, yes on our wedding day. O db sya na ang puyat! Haha. My personal vow was printed on a A4 size bond paper while Ian's vow was written on a small piece of paper provided by the hotel. Very resourceful talaga ng mister ko. Haha.
I know Ian's vow is amazing and very heartwarming, knowing Ian he's not outspoken and not that "sweet" kaya nga madalas yun ang pinag aawayan namin eh.. I remember telling him "kumain ka kaya ng asukal, para maging sweet ka naman.." but Ian really surprised me when he started to say his personal vow.
"Sa 6 na taon natin na magkasama, ngayon ang buhay natin ay pinagbuklod ng Maykapal. Hindi lang bilang mag asawa, kung hindi pati narin bilang magkaibigan, mag sing irog, karamay sa lungkot at ligaya, kasama pang habang buhay. Ito ang pangarap natin mula sa simula't simula, ang sarap isipin na nagkatotoo lahat ng pangarap natin. Ang sarap balik-balikan kung paano tayo nagsimula bilang estranghero, ngayon bilang mag-asawa. Sa isang simpleng "chat" sa skype na message mo sakin nabuo ang ating pag-iibigan. Salamat at nahanap mo ko, salamat at pinapasok mo ako sa puso mo, hinayaan mo ako na mahalin kita.
Crying Bride |
Hindi naging madali ang 6 na taon, pero nlagpasan at kinaya ntin ito na magkasama. Wala tayong problema na di inaayos bago matapos ang araw. Salamat sa pag unawa at pagtya-tyaga mo sa akin. Ang dami mong isinakripisyo para sa akin. Lagi ko ngang sinasabi na "mas" ka sa akin sa lahat ng bagay, mas ka pag dating sa pagmamahal, pero na pagtanto ko na hindi nasusukat ang pagmamahal. Hindi gaya ng distansya na kayang sukatin ng metro, hindi gaya ng bigat na kayang sukatin ng gramo, hindi gaya ng oras na pwedeng sukatin ng segundo. Ang kailangan ko lang ay patuloy kang mahalin nang habang buhay, kaya ang pagmamahal ko sayo ay parang "Revicon" may lakas na di umaayaw. Kaya nga dalawang beses lang naman kita gusto makasama, ngayon at magpakailanman.
From this day on, I choose you to be my wife. To live with you and laugh with you, to stand by your side and sleep in your arms, to be joy to your heart and food for your soul, to bring out the best in you always, and for you to be the most that I can. I promise to laugh with you in good times, to struggle with you in bad, to wipe your tears with my hands, to comfort you with my body, to mirror you with my soul, to share with you all my riches and honors, to play with you as much as I can until we grow old, and still loving each sweetly and gladly until to my last breath. I love you so much honey. You're my one and only Honey. Mahal na Mahal na Mahal kita. Happy 6th year anniversary."
By the way, our wedding day is the most PERFECT date for us. Kasi para sa amin 7.24.2012 means FOREVER.
7 days of laughters and happiness
24 hours of fruitful life
12 months of intimate love
Newly Wed.. :) |
While stating his personal vow, my eyes keeps on crying. Sobrang feel ko yung love nya, I don't know what to say. I saw some guests also cries and some gives their biggest smile. Kita naman sa picture db.. :)
Post a Comment